Friday, June 10, 2011

“ Ang Unang Population Control at Aborsyon “

Ito ang mga anak ni Jacob na kasama niyang pumunta sa Egipto, pati ang kani-kanilang sambahayan: sina Ruben, Simeon, Levi, Juda, Isacar, Zabulon, Benjamin, Dan, Neftali, Gad at Aser, sila’y pitumpung lahat. Si Jose ay malaon nang nasa Egipto. At namatay si Jose, ang kanyang mga kapatid at ang kanilang sallinlahi. Ngunit mabilis ang pagdami ng mga Israelita kaya’t sila’y naging makapangyarihan at nalalaganapan nila ang buong lupain.
Lumipas ang panahon at ang Egipto’y nagkaroon ng ibang hari na walang anumang alam tungkol kay Jose. Sinabi niya sa kanyang mga kababayan, “ Nanganganib tayo sa mga Israelita. Sila’y patuloy na dumarami at lumalakas pa kaysa atin. Kailangang gumawa tayo ng paraan para mapigil ang kanilang pagdami. Baka tayo salakayin ng ating mga kaaway at umanib pa sila sa mga ito at pagkatapos ay umalis sa ating lupain”
Kaya’t naglagay sila ng mababagsik na tagapangasiwa upang pahirapan ang mga Israelita; ipinapagawa ng Faraon sa mga ito ang mga Lungsod ng Pitom at Rameses, lungsod na tingalan ng mga pagkain at kagamitan. Ngunit habang sinisikil, lalo naming dumarami at lumalaganap ang mga Israelita kaya’t kinapopotan at kinatatakutan ng mga Egipcio. Dahil dito, ang mga Israelita’y lalong sinikil at pinahirapan ng mga Egipcio sa paggawa ng tisa at ng iba’t – ibang mabibigat na gawaing bukid.
Isang araw, ipinatawag ng Faraon sina Sifra at Pua, ang mga hilot na nagpapaanak sa mga Hebrea, at tinagubilinan ng ganito: “ Sa pagpapaanak ninyo sa mga Hebrea, kung lalaki ang bata patayin ninyo”.
Pamilyar ba sa inyo ang kuwentong ito? Ito ay mababasa sa Exodo 1: 1 -16
Totoo ang kasabihang “ history, repeats itself”. Ganito ang nangyayari sa ating bansa sa ngayon. Patuloy nilang iginigiit na isabatas na ang RH Bill dahil dumarami na raw ang tao ang sanhi raw ng kahirapan at patuloy na paghihirap ng Pilipinas. Idagdag pa nila na marami raw kumplikasyon ang panganganak.
Kung babalikan natin ang kasaysayan ng Exodo, hindi ba may kaugnayan ang Population Control at Aborsyon? Pero sinasabi ng mga nagsusulong ng RH Bill, na tutol din sila sa aborsyon at Population Control lang ang kanilang isinusulong. Nagsisinungaling sila, dahil kakambal ng Population Control ang Abortion.
Huwag na natin sanang hayaan na maulit ang kasaysayan ng Exodo sa kasalukuyan nating panahon. Huwag tayong padala sa mga dikta ng mayayamang Bansa na gusto lamang kontrolin ang ating populasyon upang sila ang magpasasa sa ating mga likas na yaman. Napakayaman ng Pilipinas, hindi lamang sa mga likas na yaman, kundi pati na rin sa mga magagandang kultura at kaugalian, at likas na magagaling ang mga Pinoy! Huwag nating payagan na unti- unting mawala ang mga ito.

Monday, June 6, 2011

“ Kung Nasaan ang Espiritu ng Diyos, Naroon ang Kalayaan “

Sa darating na ika-labingdalawa ng Hunyo, ay ipagdiriwang ng aming parokya ang ika-walumpu’t limang pagkakatatag nito . Ang Pentekostes ay sinasabing kapanganakan ng buong Simbahan.
Sa Lumang Tipan, ang Pentekostes ay ang pag-aalay ng unang ani ng mga Israelita, bilang pasasalamat sa Poong Maykapal sa mahabang pagkakaalipin mula sa mga Egiphiyo.
Sa Bagong Tipan, araw ng Pentekostes, kung saan ang mga alagad ay nasa isang silid, kasama ang Birheng Maria ay nananalangin, nang biglang bumaba sa kanila ang Banal na Espiritu Santo sa anyong dilang apoy. Noong mga panahon na iyon ang mga alagad ay natatakot lumabas na baka sila ay hulihin at ipapako rin sa krus. Subalit nang bumaba ang Espiritu Santo sila ay nagkaroon ng lakas ng loob na lumabas at ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng dako ng mundo.
Sa kasalukuyan nating panahon, ang Banal na Espiritu Santo ay patuloy na gumagabay at nagbibigay lakas sa mga mananampalataya. Nasaksihan natin ito noong EDSA 1 nang ang mga mananampalataya ay magkapit- bisig upang labanan ang mahabang diktadurya, na ang tanging naging sandata ay ang banal na rosaryo at mga panalangin laban sa mga naglalakihang kanyon. Muli nakamtan natin ang demokrasya .
Noong manawagan ang Arsobispo ng Maynila si Cardinal Rosales, noong Ika-dalawampu’t lima ng Marso, muli nating nasasaksihan na manindigan ang mga mananampalataya upang ipagtanggol ang buhay at tutulan ang RH Bill.
Ang Reproductive Health Bill ay banyagang panukalang batas. Kalakip ng panukalang batas na ito ang limpak-limpak na salapi solusyon daw sa ating kahirapan. Ang panukalang batas na ito ang muling aalipin sa atin maging sunud-sunuran sa kanilang kagustuhan dahil tayo ay nakatali sa isang kasunduan. Kasunduan na ang kapalit ay ang pagpapamudmod ng mga kontraseptibo na alam naman nating maraming masamang epekto sa katawan. Kakabit din nito ang mga mayayamang “manufacturer “ ng mga gamot, na solusyon naman daw sa mga lumalaganap na breast cancer, breast cancer, A.I.D.S. at kung anu-ano pa.
Ika-labingdalawa ng Hunyo, ginugunita rin natin ang ating Kalayaan. Tunay nga ba tayong malaya kung tayo ay natatakot sa banta na mayayamang bansa na hindi tayo pauutangin kung hindi natin isusulong ang RH Bill?
Nawa ang banal na Espiritu Santo ang patuloy nating maging gabay upang maging matatag at manindigan na ipagtanggol ang ating Inang Bayan at ang ating Inang Simbahan. “ Kung nasaan ang Espiritu ng Diyos, Naroon ang Kalayaan – 2 Cor. 3: 16 – 18 “.

Sunday, June 5, 2011

Wednesday, March 10, 2010

Reflection on being a Life Coach

" We may never always successful, but we must remain faithful” – Mother Teresa of Culcuta

Masarap na mahirap ang buhay ng isang Life Coach. Masarap kapag nakakatulong ako sa mga lumalapit sa akin at makalipas na sila ay matulungan ko na, sila’y muling tatawag at magpapasalamat at kung minsan ako ay naiimbitahan pa sa binyag ng kanilang anak o kaya’y kukuning ninang. Mahirap, kapag ginawa ko na ang lahat nang aking makakaya upang sila ay matulungan at pagkatapos ay magpapasya pa ring ipalaglag ang sanggol na kanilang dinadala. Masakit para sa aking kalooban ang mga ganitong pangyayari.

May mga ilang karanasan na rin ako na ako ay talagang lumuha, nalungkot kapag ang aking kinakausap ay nagpapasya pa rin na magpalaglag matapos na mailatag ko na sa kanila ang mga posibleng tulong na magagawa ko sa kanila, either na irefer sila sa mga maternity home, o kaya’y sa foster care o adoption center, nariyan din ang temporary shelter.

Masakit sa aking kalooban kung hindi ako nakasagip ng buhay na isang sanggol. Hindi nga sa lahat ng pagkakataon na makasasagip tayo ng buhay. Hindi tayo Diyos tayo ay instrumento lamang Niya. Ang tangi nating magagawa ay maging tapat sa ating sinumpaang gawin.

Hindi naman lahat ng panahon ay kalungkutan at kasawian. Marami rin naming kagalakan. May mga ilang na ring kababaihan ang aking natulungan sa kanilang mga suliranin sa kanilang pagbubuntis. Nang makaraos na sila sa kanilang panganganak ako ay kinuha nila upang maging ninang ng kanilang anak. May mga ilan – ilan din na tumatawag o kaya ay nagtetext at nagpapasalamat sa tulong na aking nagawa. Nakakataba ng puso, kahit maliit lang ang aking naitulong, malaking kasiyahan na rin ang naibibigay nito sa aking puso.

Hindi sa lahat nang panahon ay nagtatagumpay tayo. Hindi tayo super hero, mayroon din tayong limitasyon, iisa ang hinihintay sa atin ng Diyos ang maging tapat at masigasig tayo sa ating nasumpaang tungkulin, maliit man ito o malaki.


“ We must not always successful, but we must remain faithful “

Tuesday, September 15, 2009

This is beautiful.

A minister passing through his church in the middle of the day,Decided to pause by the altar and see who had come to pray.Just then the back door opened, a man came down the aisle. The minister frowned as he saw the man hadn't shaved in a while. His shirt was kind a shabby and his coat was worn and frayed, the man knelt, he bowed his head, Then rose and walked away. In the days that followed, each noon time came this chap, each time he knelt just for a moment, A lunch pail in his lap.. Well, the minister's suspicions grew, with robbery a main fear, He decided to stop the man and ask him, "What are you doing here?" The old man said, he worked down the road. Lunch was half an hour. Lunchtime was his prayer time, For finding strength and power.
"I stay only moments, see, because the factory is so far away; as I kneel here talking to the Lord, This is kind a what I say: "I JUST CAME AGAIN TO TELL YOU, LORD, HOW HAPPY I'VE BEEN, SINCE WE FOUND EACH OTHER'S FRIENDSHIP AND YOU TOOK AWAY MY SIN. DON'T KNOW MUCH OF HOW TO PRAY, BUT I THINK ABOUT YOU EVERYDAY. SO, JESUS, THIS IS JIM CHECKING IN TODAY."
The minister feeling foolish, told Jim, that was fine.He told the man he was welcome To come and pray just anytime. Time to go, Jim smiled, said "Thanks." He hurried to the door. The minister knelt at the altar, he'd never done it before. His cold heart melted, warmed with love, and met with Jesus there. As the tears flowed, in his heart, he repeated old Jim's prayer: "I JUST CAME AGAIN TO TELL YOU, LORD, HOW HAPPY I'VE BEEN, SINCE WE FOUND EACH OTHER'S FRIENDSHIP AND YOU TOOK AWAY MY SIN. I DON'T KNOW MUCH OF HOW TO PRAY, BUT I THINK ABOUT YOU EVERYDAY. SO, JESUS, THIS IS ME
CHECKING IN TODAY." Past noon one day, the minister noticed that old Jim hadn't come. As more days passed without Jim, he began to worry some. At the factory, he asked about him, learning he was ill. The hospital staff was worried, But he'd given them a thrill. The week that Jim was with them, Brought changes in the ward. His smiles, a joy contagious. Changed people, were his reward. The head nurse couldn't understand why Jim was so glad, when no flowers, calls or cards came, Not a visitor he had. The minister stayed by his bed, He voiced the nurse's concern: No friends came to show they cared. He had nowhere to turn. Looking surprised, old Jim spoke up and with a winsome smile; "the nurse is wrong, she couldn't know, that in here all the while everyday at noon He's here, a dear friend of mine, you see, He sits right down, takes my hand, Leans over and says to me:
"I JUST CAME AGAIN TO TELL YOU, JIM, HOW HAPPY I HAVE BEEN, SINCE WE FOUND THIS FRIENDSHIP, AND I TOOK AWAY YOUR SIN. ALWAYS LOVE TO HEAR YOU PRAY, I THINK ABOUT YOU EACH DAY, AND SO JIM, THIS IS JESUS CHECKING IN TODAY."

Friday, August 14, 2009

Why God Allow Pain

This is one of the best explanations of why God allows pain and suffering that I have seen:
A man went to a barbershop to have his haircut and his beard trimmed.
As the barber began to work, they began to have a good conversation.
They talked about so many things and various subjects.
When they eventually touched on the subject of God, the barber said:
"I don't believe that God exists."
"Why do you say that?" asked the customer. "Well, you just have to go out in the street to realize that God doesn't exist.
Tell me, if God exists, would there be so many sick people?
Would there be abandoned children?
If God existed, there would be neither suffering nor pain.
I can't imagine a loving God who would allow all of these things."
The customer thought for a moment, but didn't respond
because he didn't want to start an argument.
The barber finished his job and the customer left the shop.
Just after he left the barbershop, he saw a man in the
street with long, stringy, dirty hair and an untrimmed
beard. He looked dirty and unkempt.
The customer turned back and entered the barber shop again and he said to the barber: "You know what? Barbers do not exist."
"How can you say that?" asked the surprised barber.
"I am here, and I am a barber. And I just worked on you!"
"No!" the customer exclaimed. "Barbers don't exist because if they did, there would be no people with dirty long hair and untrimmed beards, like that man outside."
"Ah, but barbers DO exist! That's what happens when people do not come to me."
"Exactly!" affirmed the customer. "That's the point! God, too, DOES exist! That's what happens when people do not go to Him and don't look to Him for help. That's why there's so much pain and suffering in the world."

Tuesday, July 21, 2009

Kapansanan ay di balakid

Ano ang iyong ipapasya?

Ang ama ay may “ syphilis “, at ang ina ay may “ tuberculosis “. Sila ay may apat na anak. Ang una ay nabuhay, ang pangalawa ay namatay, ang pangatlo ay pipi at bingi at ang pang-apat ay may tuberculosis.

Ang ina ay buntis ngayon sa kanyang panglimang anak at nagnanais magpalaglag. Sa iyong palagay, ano ang nararapat? Ano ang iyong maipapasya para sa kanya?

Kung pinili mo ay aborsyon. Si Beethoven ay iyong pinatay. Si Beethoven ay nakilala sa kasaysayan ng mundo na isang taga-paglikha ng Classical Music.

- Medical History mula sa:
- R.C. Agnew
- USV Mecial School

Nakalulungkot isipin na kapag nalaman ng isang babae na ang kanyang ipinagdadalang – tao ay may kapansanan, ang unang solusyon na pumapasok sa kanyang isipan ay ang magpalaglag. Para sa kanya mas makatarungan ito kaysa isilang nila ang sanggol na may kapansanan.

Masakit para sa kanya na ang kanyang anak ay habang buhay na maghihirap dahil sa kanyang kapansanan at ang sari- saring pang-aalipusta na maririnig nya na para bang balaraw na dudurog sa kanyang puso.

Ngunit aborsyon nga ba ang solusyon sa ganitong suliranin? HINDI!

Ang pagkakaroon ng kapansanan ay hindi dapat maging sagabal. Hindi ito dapat maging hadlang sa pagtupad ng mga ambisyon, pangarap at mga adhikain sa buhay, sa halip ito ay nagsisilbing inspirasyon upang mas lalong magsumikap, maging matatag sa lahat ng pagsubok. Maraming mga tao na sa kabila nang kanilang kapansanan sila ay naging matagumpay sa kani-kanilang larawan, hindi lamang si Beethoven, marami pang ibang tao, mayaman man o mahirap, kilala man o hindi, ay naging matagumpay sa kani-kanilang larangan.

Lahat tayo ay may karapatang mabuhay, mahalin at kalingain, mayaman man o mahirap, may kapansanan man o wala, lahat tayo ay pantay – pantay sa paningin ng Panginoong na nagbigay ng buhay!